Nabatid sa DTI na nakumpiska noong Oktubre 2005 sa JDS Hardware na pag-aari ng isang Filipino-Chinese na si Junie Dee ang mga naturang bakal na natuklasang walang marka o label ng pabrika na pinagmulan nito.
Pinaniniwalaang hindi dumaan ang mga nasabing bakal sa masusing pagsusuri ng Bureau of Product Standard (BPS).
Pinagmumulta rin ng DTI ang nasabing hardware ng P35,000 dahilan sa paglabag nito sa batas sa pagbebenta ng mga sub-standard product.
Ang pagwasak sa mga nasabing produkto ay bahagi ng pinaigting na kampanya ng DTI laban sa mga sub-standard na produkto upang mabigyan ng proteksiyon ang mga consumers.
Kasalukuyan namang pinaghahanap pa ang isang Raymund Yu na umanoy siyang supplier ng nasabing mga bakal. (Efren Alcantara)