Anak ng vice mayor dinukot
January 12, 2006 | 12:00am
CAMP VICENTE LIM, Laguna Naalarma ang buong angkan ng isang bise alkalde ng Cavite makaraang harangin at dukutin ang kanyang 39-anyos na anak na lalaki ng mga hindi nakilalang lalaki sa bahagi ng Barangay Maitim sa bayan ng Amadeo, Cavite noong Martes ng umaga.
Ayon sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Calabarzon police director Chief Supt. Jesus Verzosa, tumawag si Amadeo Vice Mayor Elpidio Bawalan kay P/Inspector Pedro Cruzada, police chief ng naturang bayan upang ipagbigay-alam ang pagdukot sa kanyang anak na si Marlon, 39.
Napag-alamang bandang alas-6:30 ng umaga nang harangin ang sinasakyang Toyota Hi-Ace (XGD-447) ni Marlon ng isang berdeng sasakyan na may plate number UNG-584 matapos maghatid ito ng anak sa Caburloto School sa nabanggit na bayan.
Kaagad umanong isinama ng mga suspek ang biktima pati na ang sasakyan nito patungo sa hindi malamang direksiyon.
Nabatid naman sa mga awtoridad na ang naturang sasakyan ay nakarehistro sa ISAFP at ayon sa ulat mula sa Cavite Provincial Police Office ay inimbitahan lamang si Bawalan ng mga tauhan ng National Anti Kidnapping Task Force (NAKTAF) at Department of Interior and Local Government (DILG) agents dahil sa pagkakasangkot umano nito sa ilegal na negosyo ng electronic chips. (Arnell Ozaeta)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 30, 2024 - 12:00am
November 30, 2024 - 12:00am