Magkaibigan niratrat, 1 patay

CAVITE — Isang 31-anyos na lalaki ang iniulat na nasawi, habang kritikal naman ang kaibigan nito makaraang ratratin ng isang barangay tanod habang naghuhuntahan ang mga biktima sa bahagi ng Barangay Javalera sa bayan ng General Trias, Cavite kamakalawa ng gabi.

Ang biktimang si Arnold Layuga ay napuruhan sa katawan ng bala ng baril, habang si Jayson Villa, 28, ay tinamaan ng ligaw na bala. Tugis ng pulisya ang tumakas na suspek na si Ruben Anacan. Ayon kay PO2 Lorena Legaspi, nakatayo ang magkaibigan sa harap ng bahay ni Layuga nang dumating ang suspek at isagawa ang krimen. (Cristina Timbang)

Show comments