^

Probinsiya

Ginang lasog, 3 anak kritikal sa tricycle

-
ZAMBALES – Isang 33-anyos na ginang ang namatay at malubhang nasugatan ang tatlong anak nito matapos na mahagip ng isang rumaragasang tricycle habang naglalakad ang mga ito sa national highway ng Brgy. North Lucapon, Sta. Cruz, lungsod na ito kamakalawa ng umaga.

Sa ulat na ipinarating ni Sr. Supt. Edgardo Ladao, Zambales PNP director, kinilala ang ginang na si Nora Liezel Misa, may-asawa, na binawian ng buhay habang itinatakbo sa Candelaria District Hospital, Candelaria, Zambales.

Samantalang ang mga anak nito na sina Mary Grace Misa, 9; kakambal nitong si Gilbert at Patrick John, 1-taon at apat na buwang gulang, pawang taga South Lucapon, Sta. Cruz at kasalukuyang ginagamot sa nasabi ring ospital.

Nabatid na matiwasay na naglalakad ang mga biktima dakong alas-8:15 ng umaga sa gilid ng highway nang bigla silang banggain ng isang tricycle na may plakang AL9108 at body No. SC-0496, na minamaneho ng isang umano’y lasing na driver na si Manuelito Miel, residente ng Brgy. Lucapon, Sta. Cruz, Zambales.

Sa kasalukuyan ay nakakulong ang suspek na si Miel sa Sta.Cruz Municipal Jail, habang inihahanda naman ng mga kinauukulan ang kasong "reckless inmprudence resulting to homicide" at "multiple serious physical injuries, na isasampa laban sa suspek. (Fred Lovino)

BRGY

CANDELARIA DISTRICT HOSPITAL

CRUZ

CRUZ MUNICIPAL JAIL

EDGARDO LADAO

FRED LOVINO

MANUELITO MIEL

MARY GRACE MISA

NORA LIEZEL MISA

ZAMBALES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with