2 magsasaka dedo sa tagaan

BALANGA CITY, Bataan — Dalawa sa tatlong magsasaka ang kumpirmadong namatay makaraang magtagaan habang nag-iinuman ng alak sa bahagi ng Sitio Bani, Barangay Cataning ng nabanggit na lungsod, kamakalawa ng gabi.

Kabilang sa napaslang na mga biktima ay nakilalang sina Edindo Ducusin, 45 at Petranio Macayanan, 50, samantala tumakas naman ang isa sa nakipagtagaan na nakilala lamang sa pangalang "Jun".

Lumitaw sa imbestigasyon ni SPO4 Sonny David, na magkasamang nakikipag-inuman ng alak ang ilang kaibigan kabilang na sina Jun at Macayanan sa bahay ni Edindo.

Dahil sa pawang mga senglot sa alak ay nagpaalam na ang ilang kalalakihan at natira na lamang ang tatlong magsasaka.

Napag-alamang nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang tatlo sa hindi nabatid na isyu hanggang sa magkakasabay na nagbunot ng kanilang itak at nagtagaan hanggang sa duguang bumulagta ang dalawang biktima at agad namang tumakas ni Jun. (Jonie Capalaran)

Show comments