Lumitaw sa pagsisiyasat na bandang alas-3 ng madaling-araw nang pasukin ng mga armadong rebelde ang Banana Growers Corporation na dalawa sa mga suspek ay dumaan sa main gate para magpanggap na obrero.
Napag-alamang hinahanap ng mga rebelde ang logbook sa security guard at nang makapasok na sa loob ay agad na tinutukan ng baril habang sumunod naman ang lima pang armadong kasamahan.
Ayon pa sa ulat, niransak ng mga rebelde ang bodega ng armas ng mga guwardiya at nilimas ang dalawang unit ng 12 gauge shotgun, isang M16 rifle na may limang magazine, isang cal . 38 revolver na may 15 rounds ng bala at isang unit ng handheld radio.
Nagpaputok pa ng baril sa ere ang mga rebelde habang tumatakas patungo sa direksyon ng kagubatan na pinaniniwalaang kuta ng grupong makakaliwang kilusan.
May teorya ang mga awtoridad na may kinalaman sa pagtanggi ng negosyanteng may-ari ng establisiyemento na magbayad ng revolutionary tax sa grupo ng mga rebeldeng komunista. (Joy Cantos)