^

Probinsiya

Maid kinatay ng houseboy

- Edwin Balasa -
RODRIGUEZ, Rizal Patay ang isang 35-anyos na katulong habang sugatan naman ang dalagitang anak ng kanyang amo makaraang pasukin ang bahay nila ng dating houseboy na pinalayas dahil sa sobrang katamaran kamakalawa sa Brgy. San Isidro ng bayang ito.

Namatay noon din ang biktima na kinilalang si Jenette Hadre bunga ng tinamong apat na saksak ng screw driver sa dibdib habang sugatan ang anak ng kanyang amo na si Eirlitz Rossel na nagtamo ng dalawang tama ng patalim sa likurang bahagi ng katawan, pawang residente ng Block 11 Lot 23, Eastwood Subdivision, naturang barangay.

Mabilis namang tumakas ang suspek na nakilalang si Ronnie Selecia, 23, dating houseboy ng pamilya Rossel.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-4 ng hapon sa loob ng bahay ng mga biktima.

Nabatid na bumalik si Selecia sa nasabing bahay upang kunin ang mga naiwang damit matapos itong tanggalin sa trabaho ng mga amo subalit ayaw itong papasukin ni Hadre dahil wala ang mga amo at pinababalik na lang ito sa araw ng Linggo.

Subalit lingid sa kaalaman ni Hadre ay dumaan sa likurang bahagi ng bahay ang suspek at nang makapasok sa loob ay agad na pinagsasaksak ng mahabang screw driver ang una na eksakto namang pababa si Rossel ng hagdan kaya pati siya ay sinugod at pinagsasaksak ng suspek. Gayunman, nakatakbo si Rossel patungo sa kanyang kuwarto at nagkulong ito bago humingi ng saklolo sa pulisya.

Wala na ang suspek sa loob ng bahay nang dumating ang responde at nadatnan nila si Hadre na wala nang buhay habang mabilis namang isinugod sa pinakamalapit na pagamutan si Rossel.

Isang manhunt operation ang isinagawa ng pulisya para sa agarang pagkakaaresto ng suspek.

BRGY

EASTWOOD SUBDIVISION

EIRLITZ ROSSEL

GAYUNMAN

HADRE

ISANG

JENETTE HADRE

RONNIE SELECIA

ROSSEL

SAN ISIDRO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with