Globe cell site pinasabog
December 21, 2005 | 12:00am
CAMP CRAME Muli na namang nanabotahe ang mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) makaraang pasabugin ang isa na namang cell site ng Globe Telecommunications sa bahagi ng Aurora, kamakalawa ng tanghali.
Sa ulat na tinanggap kahapon ni PNP chief Director General Arturo Lomibao, dakong alas-12:05 ng tanghali nang lusubin ng mga armadong rebelde ang cell site ng Globe Telecommunications sa Poblacion Zone 1, Dinalongan ng nabanggit na lalawigan.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon, pitong molotov bombs ang pinasabog ng mga rebelde sa nasabing cell site.
Hindi pa nakuntento bago tuluyang nagsitakas ay niratrat pa ang apparatus at engine ng naturang Globe cell site at dinisarmahan ang security guard na si Jessie Moral.
Nang masalubong ng mga rebelde si PO1 David Supsup na kasalukuyang nagpapatrulya sa lugar ay dinisarmahan rin ito ng M 16 rifles.
Dahil dito, umaabot na sa 21-cell site ng Globe Telecommunications ang sinabotahe ng mga rebelde sa ibat ibang bahagi ng bansa dahil sa kabiguang magbayad ng revolutionary tax sa komunistang kilusan simula lamang nitong nakalipas na buwan ng Hulyo 2005. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest