Ambush: Mag-asawang trader todas
December 21, 2005 | 12:00am
LIMAY, Bataan Tinambangan at napatay ang mag-asawang negosyante ng mga dalawang kalalakihang sakay ng motorsiklo sa kahabaan ng lansangang sakop ng Sitio Pias, Barangay Duale sa bayan ng Limay, Bataan kamakalawa ng gabi.
Anim na tama ng bala ng baril ang tumapos sa buhay ng mag-asawang sina Nestor, 48 at Evelyn Bicatulo, 38, na kapwa naninirahan sa bahagi ng Carfbon site sa Barangay Lamao ng bayang nabanggit.
Sa ulat ng homicide section na isinumite kay P/Sr. Supt. Hernando Zafra, Bataan provincial director, papauwi na ang mag-asawa habang magkaangkas sa motorsiklo (RF-6222) mula sa palengke ng Limay nang dikitan ng mga suspek na lulan din ng motorsiklo.
Hindi na pinaporma pa ng mga suspek ang mag-asawang trader at inupakan hanggang sa kapwa duguang bumulagta sa kahabaan ng nabanggit na highway.
May teorya ang pulisya na may kaugnayan sa negosyo ng mag-asawa ang isa sa motibo ng krimen dahil walang tinangay ang mga killer na anumang gamit at halaga mula sa mga biktima.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended