FedEx delivery van hinoldap
December 20, 2005 | 12:00am
CAVITE Hindi na nai-deliver ng FedEx van ang mga kargamentong lulan ng kanilang sasakyan makaraang harangin at limasin ng mga armadong kalalakihan sa bahagi ng Barangay Langkaan 1 sa bayan ng Dasmariñas, Cavite kamakalawa ng gabi. Nakilala ang mga biktimang dumulog sa himpilan ng pulisya na sina Roben Patricio, 28, ng Barangay Caridad, Cavite City at Genaro Acedo, 34, ng Cityhomes Resortville, Barangay Langkaan, driver ng FedEx van (XRN-184). Napag-alamang dadalhin sana ng mga biktima ang kargamento sa Parañaque City nang harangin ng kulay pulang Besta van na may lulang tatlong armadong kalalakihan. Matapos na dalhin sa bahagi ng Barangay Talon sa bayan ng Alfonso ay nilimas ang mga kargamento saka ipinasok sa van ang mga biktima at tuluyang tumakas. (Cristina Timbang)
QUEZON Sabog ang ulo at namatay ang isang 28-anyos na obrero makaraang barilin ng isa sa dalawang kasapi ng agaw-motorsiklo gang sa Barangay Guisguis sa bayan ng Sariaya, Quezon kamakalawa ng gabi. Nakilala ang biktimang si Eliseo Medrano na inagawan ng motorsiklo at pumalag kaya pinatahimik ng dalawang hindi kilalang lalaki. Napag-alamang sakay ng kanyang motorsiklo ang biktima nang harangin sa madilim na bahagi ng nabanggit na barangay. Dahil sa pag-aakala ng biktima na hindi armado ang mga suspek ay nanlaban, subalit bumunot ng baril ang isa sa killer at isinagawa ang pamamaslang. (Tony Sandoval)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am