8 kidnaper hinatulang mabitay
December 20, 2005 | 12:00am
ANTIPOLO CITY Hinatulan kahapon ng parusang kamatayan ng korte ang walong kalalakihan na napatunayang kumidnap sa isang negosyanteng Tsinoy noong Pebrero 2000.
Sa 12-pahinang desisyon ni Judge Francisco Querubin ng Antipolo City, Regional Trial Court (RTC), Branch 74, ibinaba nito ang hatol na kamatayan sa mga akusadong sina Ciriaco Hutalla Jr., Raul Merjudio, Rolly Hutalla, Joseph Castillo, Jessie Costalles, Ezer Lavilla at Renato Salatan.
Kasalukuyan namang pinaghahanap pa ang isa pang akusado na si John Kenneth Coyukiat, na siyang tinuturong mastermind sa pagdukot sa biktimang si Joseph Uy Jr.
Base sa record ng korte, dinukot ng mga akusado si Uy dakong alas-6:20 ng gabi noong Pebrero 1, 2000 habang magpapagupit ng buhok sa Anson Arcade sa Makati City.
Matapos isakay sa Nissan Safari ang biktima ay piniringan sa mata at dinala sa JC Manufacturing Compound sa Carmona, Cavite na pag-aari ng nakatakas na suspek na si Coyukiat.
Humingi ng P50-milyong ransom ang mga akusado para sa kalayaan ng biktima, subalit tumawad ang pamilya ng biktima.
Hindi na natuloy ang pay-off matapos na mailigtas ang biktima nang pasukin ng mga tauhan ng Presidential Anti-Organized Crime Task Force (PAOCTF) ang hideout ng mga suspek sa Blk 4 Lot 12 Sampaguita St. Lores Country Homes Brgy. Dalig Antipolo City noong Pebrero 3 dakong ala-1:00 ng madaling-araw.
Sa depensa ng mga akusado, itinanggi naman ang akusasyon na sila ang dumukot sa biktima at sinabing may nag-utos lang sa kanila sa nabanggit na lugar, subalit hindi pinakinggan ni Judge Querubin.
"Denial like alibi is weak defense that becomes weaker in the fact of such positive testimonies", pahayag ng hukom. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest