Kinilala ni P/Sr. Insp. Roger Tomen, hepe ng Mexico Police Station ang mga nasawi na sina Brgy. Capt. Victorina Gomez at kagawad na si Romeo Atienza, pawang nakatira sa Brgy. Parian.
Kasalukuyang ginagamot ang isa pang kagawad na si Reynaldo Macabali sa Jose V. Lingad Hospital sa San Fernando sa nasabing lalawigan matapos na mahagip ng bala.
Batay sa ulat ng pulisya, bandang alas-5 ng hapon matapos ang pulong sa barangay na pinangunahan ng mga tauhan at opisyal ng Philippine Army nang maganap ang di inaasahang insidente. (Resty Salvador)