Bus hinoldap
December 9, 2005 | 12:00am
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City Isang pampasaherong bus na may rutang Metro Manila ang hinoldap ng limang kalalakihan na nagpakilalang mga rebeldeng New Peoples Army sa Maharlika Highway sa pagitan ng Barangay Calabasa at Barangay Talobatib sa bayan ng Labo, Camarines Norte kamakalawa ng gabi.
Sa ulat ng pulisya, naitala ang insidente dakong alas-9:00 ng gabi matapos na sumakay sa Superline Bus Liner (OVP-874) ang dalawang holdaper na nagpanggap na pasahero sa terminal ng bus.
Pagsapit ng bus na minamaneho ni Emmanuel Balce sa bahagi ng Barangay Talobatib ay sumakay ang tatlo pang kalalakihang maskarado at nagpakilalang mga rebeldeng NPA.
Napag-alamang pinababa ng mga holdaper ang lahat ng pasahero bago nilimas ang mga personal na gamit kabilang na ang mga celfon at cash na umaabot sa P.2 milyon.
Matapos makuha ang pakay ay agad na nagsitakas sa madilim na bahagi ng nasabing barangay.
Naniniwala naman ang pulisya na hindi mga rebeldeng NPA ang holdaper kundi mga miyembro ng highway robbery gang na may operasyon sa Kabikulan. (Francis Elevado at Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest