^

Probinsiya

Mister dinedo dahil sa mikropono

-
QUEZON – Isang 34-anyos na mister ang kumpirmadong nasawi makaraang barilin ng isa sa tatlong kalalakihan na nakaalitan ng biktima dahil sa mikropono sa loob ng videoke bar sa Barangay 3 sa bayan ng Alabat, Quezon, kamakalawa.

Sapol sa ulo ng bala ng baril ang biktimang si Jaime de Leon ng Barangay Villa Jesus Jueste ng bayang nabanggit. Samantala, tugis naman ng pulisya ang mga suspek na sina Rene Malabunga, Don-don Caparros at Neil Cabangon.

Sa imbestigasyon ni PO2 Rico Feronal, dakong alas-9:45 ng gabi nang magkasagutan ang biktima at grupo ng suspek dahil sa pag-aagawan sa mikropono.

Napag-alamang nagpaligsahan sa kantahan ang dalawang panig nang magtalo sa mikropono dahil giniit ng biktima na siya ang muling kumanta.

Nagalit ang isa sa mga suspek kaya bumunot ng baril at pinaputukan sa ulo ang biktima na hawak pa ang mikropono nang bumulagta sa sahig. (Tony Sandoval)

vuukle comment

ALABAT

BARANGAY VILLA JESUS JUESTE

CAPARROS

ISANG

JAIME

NAGALIT

NEIL CABANGON

RENE MALABUNGA

RICO FERONAL

TONY SANDOVAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with