^

Probinsiya

Kotse vs van: 2 patay

-
CAMP VICENTE LIM, Laguna – Dalawang sibilyan kabilang na ang santaong gulang na batang babae ang kumpirmadong nasawi, habang siyam naman ang malubhang nasugatan makaraang sumalpok ang kotse sa isang van sa kahabaan ng Sta. Rosa-Tagaytay Road, Barangay Puting Kahoy sa bayan ng Silang, Cavite kamakalawa ng tanghali.

Kinilala ni P/Senior Supt. Benjardi Mantele, provincial director, ang mga biktimang nasawi na sina Niña Rizen Medina, 1 at Marcelino Esguerra, 34, drayber ng Nissan Sentra (DFH-819) habang kritikal naman ang kasamahan na sina Nelia Yabut, Margie Esguerra, Joy Medina, Sunshine Esguerra, at Norman Felipe na pawang residente ng Muntinlupa City.

Sugatan din ang drayber ng van (SFB-910) na si Victor Mejia at mga pasaherong sina Elizabeth Riego De Dios, Rebecca Castro, Cecilia Capagcuan na pawang empleyado ng Silang Health Center.

Ayon sa ulat, bandang ala-1:45 ng tanghali habang binabagtas ng sasakyan na minamaneho ni Marcelino Esguerra ang makurbang bahagi ng highway patungo sa direksyon ng hilaga nang mapadako ito sa kabilang linya at sa hindi inaasahang pagkakataon ay aksidenteng sumalpok sa kasalubong na van.

Nabatid pa sa imbestigasyon na bago mangyari ang aksidente may nasabitan nang sasakyan si Esguerra sa Tagaytay City pa lamang na tinangkang takasan ni Marcelino kaya napabilis ang pagmamaneho nito na nagresulta sa mas malaki pang aksidente. (Cristina Timbang at Arnell Ozaeta)

vuukle comment

ARNELL OZAETA

BARANGAY PUTING KAHOY

BENJARDI MANTELE

CECILIA CAPAGCUAN

CRISTINA TIMBANG

ELIZABETH RIEGO DE DIOS

JOY MEDINA

MARCELINO ESGUERRA

MARGIE ESGUERRA

MUNTINLUPA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with