Magsasaka tinodas dahil sa baso
November 30, 2005 | 12:00am
QUEZON Naging mitsa ng kamatayan ng isang 42-anyos na magsasaka ang nahulog na baso makaraang magalit ang isang meat vendor sa naganap na karahasan sa loob ng videoke bar sa Barangay Malabanban Sur sa bayan ng Candelaria, Quezon kamakalawa ng gabi. Napuruhan sa ulo ng bala ng baril ang biktimang si Nestor Untalan ng Sitio Taguan, Barangay Bukal. Samantala, sumuko naman ang suspek na si Aristeo Rienton, 29, ng Barangay Calit-calit, San Juan, Batangas. Ayon kay SPO1 Domingo Cristal, Nakikipag-inuman ang biktima sa kanyang mga kaibigan sa loob ng Star Videoke Haus nang matabig nito ang baso at tumama sa paa ng suspek. Na nakaupo naman sa katabing mesa. Humingi ng dispensa ang biktima, subalit nagalit ang suspek hanggang sa humantong sa pamamaslang. (Tony Sandoval)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest