^

Probinsiya

Bitay sa 3 kidnaper ng trader

- Ni James Mananghaya  -
MALOLOS CITY, Bulacan – Kamatayan ang hinatol ng mababang korte kahapon sa tatlo sa limang naarestong miyembro ng kidnap-for-ranson gang, samantalang habambuhay na pagkakulong naman ang parusa sa dalawa pa nitong kasama sa pagdukot sa isang Tsinoy trader noong Oktubre 8-14, 2002 sa Meycauayan, Bulacan.

Sa 18-pahinang desisyon na ipinalabas ni Judge Crisanto Concepcion ng Bulacan Regional Trial Court Branch 12, hinatulan ng bitay sina Rolando Estrella, Jay Gregorio, at Ricardo Salazar bilang utak at pangunahing akusado sa pagkakadukot kay Jimmy Ting.

Ang dalawa pang kasamahan na sina Efren Gascon at Danilo Bergonia ay hinatulan naman ng parusang "reclusion perpetua" o habambuhay na pagkabilanggo dahil sa nagsilbing lookout noong dukutin ang nasabing negosyante.

Bukod pa sa nasabing parusa, pinagbabayad din ng korte ang mga akusado ng P.1 milyon bilang danyos sa biktima.

Base sa record ng korte, dinukot ang biktima noong Sabado ng Oktubre 8, 2002 habang pauwi kasama ang kanyang kapatid na babae at pinsan sakay ng kanyang Honda CRV sa kahabaan ng MacArthur Highway sa nabanggit na bayan

Nasiraan ng gulong ang sasakyan ng biktima kaya napilitang tumigil hanggang sa lumapit ang mga akusado at nagpakilalang mga tauhan ng NBI at inakusahan siyang drug dealer. 

Agad na isinakay ang biktima sa FX Tamaraw at nang nasa loob na sila ng sasakyan, nagpakilalang mga NPA ang mga akusado at sinabing hahatulan na siya ng kamatayan.

Dinala ang biktima sa bahagi ng Ilocos at doon nakipag-negotiate ang mga akusado sa pamilya na unang humihingi ng P50 milyon para sa kaligtasan ni Ting.

Hanggang sa nagbigay ng Php1, 780.000 ang pamilya ni Ting sa mga akusado para sa kalayaan ng biktima.

 Naaresto ng pinagsanib na pwersa ng PACER team at ng Ilocos police ang mga akusado at nailigtas si Ting noong Biyernes ng Oktubre 14, 2002.

Sa pagdinig sa korte, positibong itinuro ni Ting ang mga akusado na siyang dumukot sa kanya.

AKUSADO

BULACAN

BULACAN REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

DANILO BERGONIA

EFREN GASCON

ILOCOS

JAY GREGORIO

JIMMY TING

OKTUBRE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with