Dalaga, ginulpe ng holdaper
November 28, 2005 | 12:00am
Meycauyan, Bulacan Walanghiya ka. Kaya pala hindi ka na umuuwi ng bahay ay nakikipagbarkada ka na naman. Akin na yang mga binili kong alahas na suot mo, pati na yang bag na binili ko sa iyo, walang makikialam sa inyo, asawa ko ito!"
Ito umano ang katagang ginamit ng isang notoryus na holdaper na nagpanggap na asawa ng biktimang si Katrian Cu, 21-anyos, dalaga ng Campo Potrero, Brgy. Lolomboy, Bocaue ng lalawigang ito.
Ayon sa salaysay ng biktima sa pulisya, dakong alas -2 ng madaling-araw, kasalukuyan siyang nag-aabang ng masasakyan sa Brgy. Malhacan, Meycauyan ng lalawigang ito ng sumulpot ang hindi nakilalang suspek na may kasabwat na dalawang babae at bigla siyang pinagbubugbog.
Sa sobrang sakit ng dinanas na sampal, sipa, sabunot at tadyak sa suspek ay halos hindi nakapagsalita ang biktima ng isa-isang limasin ng kawatan ang kaniyang pera, alahas, salapi at ilan pang kagamitan.
Huli na ng mabatid ng mga bystander sa lugar na hindi asawa ng biktima ang suspek at isa itong kawatan kaya lumuluhang nagsuplong sa pulisya ang dalaga.
Dahil dito, pinag-iingat ng mga awtoridad ang publiko upang hindi mabiktima ng modus operandi ng naturang mga kawatan. (Efren Alcantara)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest