2 parak dedo sa barilan

CAMP CRAME Dalawang pulis ang nasawi matapos na tambangan at pagbabarilin ng dalawang ’di-kilalang lalaki na armado ng matataas na kalibre ng baril kamakalawa sa Abra.

Nakilala ang mga biktima na sina SPO1 Emilio Batay-an Alzate, 51, ng Conner, Apayao at PO1 Jerry Bay-an Ebiong, 26, ng Benguet, kapwa nakatalaga sa Abra Provincial Police Office.

Ayon sa ulat, naganap ang insidente bandang alas-10:30 ng gabi sa loob ng isang restaurant sa Bucay.

Sa inisyal na pagsisiyasat, personal na alitan ang sinisilip na motibo sa krimen. Narekober ng pulisya sa sa pinangyarihan ng insidente ang pitong basyo ng bala ng M-16 rifles. (Angie dela Cruz)

Show comments