^

Probinsiya

Globe cellsite pinasabog uli

-
QUEZON Pinasabog at sinunog ng mga hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang isa na namang cellsite ng Globe Telecommunications Company matapos na sumalakay ang mga ito at tinangay pa ang isang pulis na kanilang nasabat sa NPA checkpoint kahapon ng umaga sa bayan ng Lucban, ng lalawigang ito.

Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-6:15 ng umaga nang pasukin ng may humigit kumulang sa 50 armadong lalaki na pawang naka-fatigue uniform ang Globe cellsite na nakatayo sa Lucban dahil na rin sa galit ng grupo dahil sa hindi umano pagbabayad ng hinihinging revolutionary tax ng pamunuan ng nasabing kumpanya.

Ayon kay P/Insp. Henry Uhagan, chief of police ng Lucban, bandang alas-6:30 ng umaga nang disarmahan ang nag-iisang security guard ng mga rebelde bago tinaniman ng mga pampasabog ang machine room, generator at ang paanan ng tower. Bagaman isang malakas na pagsabog ang narinig pero hindi umano nasira ng matindi ang naturang istraktura. Wala rin naiulat na nasaktan sa pagsabog. Naglagay ng NPA checkpoint at tiyempong dumaan si PO3 Leo Madrigal na sakay ng jeep kaya siya isinama sa kanilang pagtakas. (Tony Sandoval/Arnell Ozaeta)

vuukle comment

ARNELL OZAETA

AYON

BAGAMAN

BATAY

GLOBE TELECOMMUNICATIONS COMPANY

HENRY UHAGAN

LEO MADRIGAL

NAGLAGAY

NEW PEOPLE

TONY SANDOVAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with