^

Probinsiya

50-anyos dinedo ng 3 mag-aama

-
CAVITE — Hindi pa nareresolba ng mga tauhan ng pulisya ang mga patayang nagaganap sa bayan ng Dasmariñas, Cavite ay muli na namang umiral ang karahasan matapos na pagbabarilin hanggang sa mapatay ang isa na namang lalaki ng 3 mag-aama sa bahaging sakop ng Barangay Salawag ng nabanggit na bayan, kamakalawa ng gabi. Bandang alas-7 ng gabi nang lapitan at pagbabarilin ng mga suspek ang biktimang si Roger Villanueva, 50, ng Block 1 Lot 35, San Marino South Subdivision sa nabanggit na barangay. Tugis naman ng pulisya ang mga suspek na sina Alfredo "Jojo" Delos Reyes Sr.; Alfredo "Jay-Jay" Delos Reyes at Kristo Delos Reyes na pawang residente rin ng nabanggit na lugar. Ayon kay PO3 Edgar Belza, posibleng may malaking atraso ang biktima sa mga suspek kaya isinagawa ang krimen. (Cristina timbang)
2 Pekeng Reporter Tiklo Sa Kotong
BULACAN — Dalawang sibilyan na nagpakilalang reporter ng lokal na pahayagan ang dinakip ng mga tauhan ng pulisya sa isinagawang entrapment operation kaugnay sa pangingikil ng una sa may-ari ng grill bar sa Barangay Pinagbarilan sa bayan ng Baliuag, Bulacan, kamakalawa. Pormal na sasampahan ng kaukulang kaso ang mga suspek na sina Marlon Reyes, 34, ng Barangay Tambubong, San Rafael, Bulacan at Elizabeth Marcelo, 34, ng Barangay Meycauayan, Bulacan. Ayon sa ulat ng pulisya, ang mga suspek ay nagpakilalang mga reporter ng lingguhang tabloid na Patrol News Express at Pilipino News Express. Dinakip ng mga tauhan ni P/Chief Insp Florencio Morales, ang dalawa base sa reklamo ng anak ng may-ari ng Eduardo’s Bar and Grill Haus na si Crystalline Gumatay na pinaniniwalaang hinihingan ng P300 kada linggo. Pinabulaanan naman ng mga suspek ang nasabing akusasyon. (Efren Alcantara)

ALFREDO

AYON

BAR AND GRILL HAUS

BARANGAY MEYCAUAYAN

BARANGAY PINAGBARILAN

BARANGAY SALAWAG

BARANGAY TAMBUBONG

BULACAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with