6 tulak nadakma
November 15, 2005 | 12:00am
BAGUIO CITY Anim na sibilyan kabilang na ang dalawang menor-de-edad ang dinakip ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency-Cordillera makaraang makumpiskahan ng 21 kilong marijuana sa isinagawang buy-bust operation sa bahagi ng Outlook Drive, Baguio City, kamakalawa.
Kinilala ni P/Supt. Danilo Flordeliza ng PDEA, ang mga nadakip na suspek na sina Milgie Manches Ebanez, 30; Estrella Cabigan Lobito, 40; Washington Sagayo Pelitan, 35, Anthony Macapio Aludos, 32, pawang residente ng La Trinidad, Benguet at dalawang 17-anyos na hindi pinabanggit ang pangalan.
Ayon kay Flordeliza, isinagawa ang buy-bust operation, matapos makipag-transaksyon ang PDEA agents sa mga suspek na bibili ng pinatuyong dahon ng marijuana
Matapos ang negosasyon sa pangunguna ni P/Chief Insp. Paul John Mencio, PO3 Gary Garcia at PO2 Harol
Estacio, kasama ang ilang tauhan ng Precinct 3 ng Baguio City sa pangunguna ni P/Chief Inspector Benjamin Sambrano ay nai-deliver ng mga suspek ang 21 kilong pinatuyong dahon ng marijuana sa may bahagi ng Outlook Drive, Baguio City, dakong alauna ng hapon noong Linggo.
Nang iabot ang 20 marijuana bricks na nagkakahalaga ng P525,000 sa mga operatiba ay sabay na dinakma ang mga suspek at pormal na sinampahan ng kaukulang kaso. (Artemio A. Dumlao)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest