Kasama sa mga naaresto ang mga kilalang grupo na kilabot sa robbery hold-up katulad ng Borja Grp kung saan pati ang lider nito ay nasakote na si Reggie Borja, 30, at mga miyembro nito na sina Michael Yu at Rey Brion, pawang mga residente ng Sampaloc 4 ng bayang ito.
Natimbog din ng pulisya ang Tameses Brother na sina Wilson at Arnel Tameses na pawang sangkot sa kasong carnapping at robbery hold-up. Kasama din sa naaresto si Romualdo San Luis Jr., kilalang lider at kilabot na holdaper ng mga pampasaherong jeepney.
May 15 sa nasabing bilang ay naaresto mula sa isinilbing warrant of arrest na may mga magkakaibang kaso. Labing-isa katao din ang natimbog sa pamamagitan ng random spot checkpoint kung saan sari-saring mga baril ang nakumpiska ng pulisya.
Kabilang sa mga ito sina Rodel Tarrobago alias Dondon, 27, ng Victoria Reyes ng bayang ito at Erickson Lianez, 27, ng Brgy. Buenavista, Gen. Trias, Cavite. Nahuli ang dalawa sa parking lot ng Walter Mart sa Dasmariñas kung saan nakumpiskahan ang mga ito ng cal. magnum revolver, mga bala at 44 units ng microprocessor computer chips na palihim na inilabas ng mga ito sa Intel Technology Phils.
Ang operasyong ito ng Dasmariñas PNP ay pasimula pa lamang upang linisin ang mga kriminal hinggil sa Anti Criminality Campaign Program ng Dasmariñas PNP lalo na ngayong nalalapit ang kapaskuhan. (Cristina Go Timbang)