^

Probinsiya

Hiling ni Misuari di-aprub sa DOJ

-
Hinarang ng Department of Justice (DoJ) ang kahilingan ni dating Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM) Governor Nur Misuari at ng mga tauhan nito na makalabas ng bilangguan para sa isang medical check-up.

Sa inihaing opposition ni State Prosecutor Peter Ong, piskal na may hawak sa kasong rebellion, sinabi nito na kahina-hinala ang ginawang kahilingan ni Misuari at ng mga tauhan nito na magpasailalim sa medical check-up.

Una dito’y naghain na rin si Misuari ng motion noong November 2, 2005 upang makalabas ng bilangguan para sa selebrasyon ng Hari-Raya Puasa.

Matapos ang dalawang nasabing motion na inihain ni Misuari ay sumunod naman na naghain ng kanilang motion ang mga tauhan na sina Bakil Annay Harun, Johan Sawadjaan San Sanzibar, Akil Abduraman Abdul, Addin Esguerra Ismael, Gamar Bin Abdul Razak at Omar Bin Abdullah para rin sa medical check-up.

Binigyang-diin ni Ong na hindi dapat pagbigyan ng Makati Regional Trial Court ang kahilingan ni Misuari at ng mga tauhan nito dahil ang kasong kinakaharap ng mga ito ay isang heinous crime at hindi binibigyan ng pagkakataon na makapagpiyansa.

Ang pananakit ng tiyan at iba pang bahagi ng katawan nito ay maituturing aniyang mababang dahilan upang pagbigyan ang kahilingan ng mga ito.

Bunga nito’y hiniling ni Ong na ’di dapat pagbigyan ng korte ang kahilingan ni Misuari at ng mga tauhan nito.

Magugunita na si Misuari ang umano’y nanguna sa pagpapasabog sa mga miyembro ng 104th Philippine Army Brigade sa Sulu kung saan marami ang namatay na sundalo.

Samantala, hiniling din ni Ong sa Manila Regional Trial Court na huwag payagan ang mga akusado sa LRT bombing na makalipat ng kanilang selda. (Grace Amargo dela Cruz)

vuukle comment

ADDIN ESGUERRA ISMAEL

AKIL ABDURAMAN ABDUL

AUTONOMOUS REGION OF MUSLIM MINDANAO

BAKIL ANNAY HARUN

DEPARTMENT OF JUSTICE

GAMAR BIN ABDUL RAZAK

GOVERNOR NUR MISUARI

MISUARI

ONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with