Ten-wheeler truck vs pushcart: Mag-aama patay
November 10, 2005 | 12:00am
Isang 30-anyos na ama at dalawa nitong anak na lalaki ang kumpirmadong nasawi, habang isa pa ang malubhang nasugatan matapos na aksidenteng salpukin ng kasalubong na truck ang sinasakyan nilang pushcart sa matarik na kalsada ng Brgy. Upper Puerto, Cagayan de Oro City kahapon ng umaga.
Dead-on-arrival sa pagamutan ang mag-aamang biktima na sina Epifanio Villarico at mga anak nitong sina Emmanuel, 12 at Ernie, 9.
Nilalapatan naman ng lunas sa Puerto Community Hospital ang 8-anyos na nasugatang anak ni Epifanio.
Base sa imbestigasyon ni PO2 Noel Perpetua ng Cagayan de Oro City Police, ang insidente ay naganap dakong alas-6:45 ng umaga habang hinihila ng isang Canter mini truck na may plakang GGB-741 ang pushcart na sinasakyan ng mga biktima nang salpukin ito ng kasalubong na Hino ten-wheeler truck na minamaneho naman ni Vincent Labucay sa Sitio Bai, Brgy. Upper Puerto.
Nabatid na tinangkang iwasan ng Canter ang lubak sa matarik na highway at di nito napansin ang paparating na Hino truck na sa bilis ng pangyayari ay tuluy-tuloy na sumalpok ang pushcart na sinasakyan ng mag-aama.
Ang nasabing pushcart ay tumilapon pa ng ilang metro matapos na kumalas ito sa pagkakatali sa Canter mini truck na ikinasawi at ikinasugat ng mga biktima.
Isinasailalim na sa kustodya ng pulisya ang driver ng truck na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide and physical injuries. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest