4-katao lunod sa ilog
November 1, 2005 | 12:00am
CAMP CRAME Sementeryo ang kinahantungan ng apat na sibilyan kabilang ang tatlong batang mag-uutol makaraang malunod habang naglalangoy sa Agno River sa bayan ng Asingan, Pangasinan kamakalawa ng hapon.
Nakilala ang mga nasawi na sina Baltazar Torralba at mga pamangkin nitong mag-uutol na sina Miguel, 9; Melda,13 at Michaela, 14 na pawang may apelyidong Orense.
Base sa ulat, ang insidente ay naganap sa Agno River na matatagpuan sa Barangay Carusucan Norte sa bayan ng Asingan bandang alas-2 ng hapon.
Nabatid na masayang naliligo ang mga biktima nang kalawitin ni kamatayan na nagkataon namang ilang araw bago ang All Souls Day kung saan ay nakatakda sana ang mga itong magtungo sa sementeryo para dalawin ang namayapa nilang mga mahal sa buhay.
Sa salaysay ni Helen, ina ng mga bata, nabatid na nalunod sina Michaela at Melda sa pagtatangkang sagipin ang nakababata nilang kapatid na si Miguel na naunang lumubog sa nasabing ilog matapos na pulikatin ito.
Samantalang matapos mamataan ang nalulunod na mga pamangkin ay dali-daling lumangoy si Torralba sa kinaroroonan ng mga bata upang sagipin, subalit maging siya ay minalas na madamay sa insidente.
Limang oras matapos ang trahedya ay narekober ng mga residente ang lumulutang na mga bangkay ng biktima sa nasabing ilog.
Napag-alamang nagluluksa ngayon ang pamilya ng mga naulila ng mga biktima sa trahedyang kanilang sinapit. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest