Kuya binoga ng utol

LIMAY, Bataan – Binaril ng nakababatang kapatid ang kanyang kuya makaraang magtalo ang mga ito kamakalawa ng gabi sa Sitio Saay, Barangay St. Francis 2, Limay, Bataan.

Ang biktima na nasa kritikal na kondisyon bunga ng isang tama ng homemade shotgun sa kaliwang balikat ay nakilalang si Lopito Badilio, 45, may-asawa, magsasaka at nakatira sa Sea Breeze Tower Barangay St. Francis-2.

Samantalang ang suspek na tumakas matapos ang insidente ay nakilalang si Nilo.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng mga awtoridad, dakong alas-7 ng gabi nang mabalitaan ng biktima na inaway ng suspek ang kanilang kapatid na babae ay pinuntahan nito ang suspek at kinompronta na nauwi sa mainitang pagtatalo.

Nabuwisit umano ang suspek at pumasok sa loob ng kanilang bahay at inilabas ang shotgun at pinaputukan ang biktima. (Jonie Capalaran)

Show comments