Sa 12-pahinang desisyon ni Judge Edilberto Claravall ng Baguio City Regional Trial Court, Branch 60, ipinataw ang anim na taong pagkabilanggo sa akusadong si Angel Asuncion Lenomta.
Bukod sa hatol na pagkabilanggo ay pinagbabayad din ang akusado sa mga naulilang pamilya ng biktima ng P126,849.15 bilang danyos-perwisyo at iba pang pinagkagastusan.
Napag-alamang sa rekord ng korte na ibinaba ang hatol mula sa kasong murder sa homicide dahil sa boluntaryong sumuko sa mga awtoridad ang akusado matapos na mapatay sa samurai ang biktimang si Eliseo Bugayao Dioayan noong Pebrero 7, 2004 sa nabanggit na barangay. (Artemio A. Dumlao)