Sikyu tinodas ng kabaro

CAVITE – Pinagbabaril hanggang sa mapaslang ang isang 44-anyos na security guard ng kanyang kabaro makaraang magtalo ang dalawa tungkol sa kanilang trabaho, kahapon ng umaga sa Barangay Bangkal sa bayan ng Carmona, Cavite. Napuruhan sa katawan ang nasawing biktima na si Roberto Antienza, officer-in- charge ng security agency at residente ng Makati City. Tugis ng pulisya ang suspek na si Jeffrey Red, 37, isa rin security guard, tubong Libon, Albay at nakatira sa # 48 Block 6 UPS 4, Landcape, Barangay Marcelo, Parañaque City. Sa imbestigasyon ni SPO1 Zacarias Ballever, nagtalo ang dalawa tungkol sa kanilang trabaho bilang guwardiya hanggang sa maganap ang krimen na naitala dakong alas-9 ng umaga. (Cristina Timbang)

Show comments