Sa report ni Dr. Myrna Cabotaje, Regional Director ng Department of Health (DOH) mula Setyembre 26 hanggang sa kasalukuyan ay 410 meningoccocal cases ang naitala at 85 dito ay namatay.
Ang Benguet ang siyang may pinakamataas na bilang ng pasyente ng meningo na 172; sinundan ito ng Baguio City na 156; Mountain Province 65; Ifugao 6 at 10 mula sa Ilocos region at Cagayan Valley.
Sinabi pa ng opisyal sa 410 nakitaan ng sintomas ng sakit na ito ay 182 ay kumpirmado na nagtataglay ng killer disease sa pamamagitan ng laboratory examination at karamihan sa kanila ay nasa pangangalaga ng Baguio General Hospital and Medical Center at Benguet General Hospital.
Matatandaan na ang biglang pagsulpot ng meningoccocal cases na dulot ng respiratory infection, cold at flu ay bunga ng malamig na panahon noong Disyembre 2004 na pinupuntirya ang mga taong mahihina ang resistensya. (Artemio Dumlao)