Police chief pinatay
October 23, 2005 | 12:00am
BATANGAS Naliligo sa sariling dugo at wala nang buhay nang matagpuan ang hepe ng investigation division ng Batangas City Police Station sa loob ng kanyang owner-type jeep na nakaparada sa kahabaan ng Barangay Road sa Brgy. Gulod, Labac.
Kinilala ni Superintendent Nilo Anzo, Batangas City chief of police, ang biktimang si Inspector Felizardo Panaligan, 47, residente ng Sampaguita Homes, Barangay Gulod Itaas, Batangas City.
Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, bandang alas-6 nang umaga nang ireport ng isang tricycle driver sa himpilan ng pulisya na may natagpuan siyang isang patay na lalaki sakay ng isang owner-type jeep na may plate number DTH-432 sa nabanggit na lugar.
Nang rumesponde ang mga pulis, nakita nila si Panaligan na may tama ng bala sa kanang bahagi ng kanyang ulo mula sa calibre 9-mm pistol at nakarekober ng isang basyo ng bala mula sa nasabing baril.
Isang masusing imbestigasyon ang isinasagawa ng pulisya hinggil sa motibo sa pagpatay sa naturang opisyal, ang responsable rito at kung ano ang motibo sa krimen. (Arnell Ozaeta)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended