4 drug user huli sa pot session
October 22, 2005 | 12:00am
CABANATUAN CITY Apat na drug user ang inaresto ng pulisya makaraang maaktuhan ng mga opisyal ng barangay na gumagamit ng ipinagbabawal na metamphetamine hydrochloride o shabu sa drug bust operation sa Brgy. Sumacab Norte ng lungsod kamakalawa ng umaga.
Kinilala ni P/Chief Inspector Cresencio de Asis, hepe ng Nueva Ecija Crime Lab Office, ang mga nahuling suspek na sina Russelle Jann Garcia, 23, Jojit San Andres, 25, Antonio Reyes, 42, at Roderick Tolentino, 24, pawang mga residente ng nabanggit na lugar.
Sinabi ni de Asis na hinuli ang apat na suspek dakong alas-10:30 ng umaga ng mga opisyal ng kanilang barangay base sa impormasyon ng kanilang asset na may mga taong nagsa-shabu sa naturang lugar at naaresto ang mga suspek.
Ang mga ito ay lumitaw na positibo sa paggamit ng illegal na droga na nakumpirma matapos silang isalang sa drug test.
Inihahanda na ang pagsasampa ng kasong kriminal laban sa mga nasakoteng suspek na dinala na sa Cabanatuan City detention cell. (Christian Ryan Sta. Ana)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest