Base sa imbestigasyon ng pulisya, bago maganap ang pagpapakamatay ng biktima ay namataan na ito ng security guard na si Rommel Tanco na naglalakad sa nasabing lugar. Tinangkang lapitan ni Tanco ang biktima para sitahin, subalit biglang nagtatakbo at lumundag mula sa 4th floor ng Sta. Lucia Grand Mall sa kahabaan ng Felix Avenue ng nabanggit na barangay.
Narekober sa bulsa ng biktima ang sulat ng may-ari ng Mano Shoe Manufacturing Corp.na may petsang Setyembre 22, 2005 tungkol sa nawawalang 400 na pares ng sapatos (P.8-M) na hindi maipaliwanag ni Huerto kung nasaan.
Isa pang liham mula sa nasabing kompanya na may petsang Setyembre 27, 2005 ang narekober ng pulisya na pinagpa-file si Huerto ng resignation sa Oktubre 21, 2005.
Kasalukuyang inaalam ng pulisya kung may kinalaman ang dalawang liham ng nabanggit na kompanya ng sapatos sa pagpapakamatay ng biktima. (Edwin Balasa)