Police vs 3 wanted: 2 parak sugatan
October 9, 2005 | 12:00am
CAVITE Dalawang pulis-Cavite ang malubhang nasugatan makaraang maka-engkuwentro ng mga ito ang tatlong wanted persons kamakalawa ng gabi sa Barangay Poblacion 4, General Mariano Alvarez, ng lungsod na ito.
Kinilala ni Chief Insp. Randulf Tuaño, hepe rito ang mga biktima na sina SPO2 Danilo Bago at SPO1 Hermogenes Manimtim, pawang nakatalaga sa General Mariano Alvarez.
Mabilis namang tumakas ang mga suspek na sina Arnold David alias Anot ng B-8 Brgy. Pob 4: Herminigildo Vibal Jr. alias Pato, ng Pob. 2 at Jayson Ramos alias Fukoda, ng Pob. 4, pawang nakatira sa GMA, Cavite.
Batay sa imbestigasyon ni PO2 Margarito Umali, may hawak ng kaso, dakong alas-9:30 ng gabi nang personal na magsadya sa kanilang himpilan si PO1 Norman de Leon upang humingi ng responde sa kaguluhang nagaganap sa nabanggit na lugar.
Mabilis namang rumesponde ang mga nabanggit na pulis ngunit nasorpresa sila dahil sinalubong sila agad ng mga putok ng baril dahilan upang tamaan agad ang dalawang pulis.
Mabilis na tumakas ang mga suspek at agad namang isinugod sa pagamutan ang mga biktima habang nagsagawa naman ng mabilisang follow-up operation ang Task Force Balikatan sa pamumuno ni Major Tuaño subalit bigo rin ang mga ito na makita pa ang mga suspek.
Isang nagngangalang Noel David ang inaresto ng pulisya, ama ng isa sa mga suspek at sinampahan ng pulisya ng kasong R.A 1829 o obstruction of justice dahil sa pagpapatakas nito umano sa mga suspek.
Patuloy pa ring nagsasagawa ng manhunt operation ang mga kagawad ng pulisya para sa ikadarakip ng tatlong wanted kung saan ay inalerto na rin ang lahat ng istasyon ng PNP. (Cristina Go Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest