Executive ng lokal na pahayagan binoga
October 5, 2005 | 12:00am
CAMP CRAME Namimiligrong kalawitin ni kamatayan ang isang 25-anyos marketing executive ng isang lokal na pahayagan makaraang barilin ng di pa kilalang gunman sa naganap na karahasan sa General Santos City, kahapon ng umaga.
Kasalukuyang isinasalba ng mga doktor sa Doctors Clinic and Hospital ang buhay ng biktimang si Danilo Aguirre, marketing executive ng weekly newspaper na The Mindanao Bulletin at special project officer ng Mindanao Media Services
Sa ulat ni P/Senior Supt. Alfredo Toroctocon, city director sa General Santos City Police Office, ang biktima ay tinamaan ng bala ng baril sa ibabang bahagi ng baywang at kasalukuyang pang nagsasagawa ng follow-up operation upang matukoy ang gunman.
Lumitaw sa inisyal na imbestigasyon na niyaya ng drayber ng Mindanao Bulletin si Aguirre na bumili ng shampoo sa kalapit na tindahan at habang naglalakad sa kahabaan ng Sampaguita Street ay nasaksihan ng drayber na si Nonoy Zaldivar ng barilin ang biktima ng hindi kilalang gunman.
Agad nitong tinabig ang baril na itinutok sa ulo ng biktima kaya sa ibabang bahagi ng tiyan pumutok.
Ayon kay Nonoy Zaldivar, babarilin sana uli ang biktima, subalit hindi na pumutok ang baril na hawak ng hindi kilalang gunman at agad na tumakas sakay ng kulay pulang Krypton motorcycle na walang plaka.
Sinisilip ng pulisya ang anggulong may nakaaway ang biktima bago pa pumasok sa nabanggit na newspaper o ang pagkakaroon nito ng kagalit sa personal na buhay. (Joy Cantos at Ramil Bajo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest