4 pulis todas sa ambush
October 2, 2005 | 12:00am
SURIGAO CITY Apat na kagawad ng Philippine National Police na nagsagawa ng clearing operations ang nasawi habang apat pa nilang kasamahan ang malubhang nasugatan matapos na tambangan ang mga ito ng hinihinalang kasapi ng New Peoples Army (NPA) kamakalawa sa Sitio Bedrock Barangay Mat-i, sa lungsod na ito.
Kinilala ni Surigao City OIC Police chief, Chief Inspector Virgil Ranes Taguimon ang mga napatay na sina SPO4 Elueterio Espejon, PO2 Reul Alabad, pawang miyembro ng Surigao del Norte Provincial Mobile Group; PO2 Joebert Montenegro at Pol Armando Raagas, pawang kasapi ng Surigao City Police Office.
Ang mga nasugatan na kasalukuyang ginagamot sa Miranda Family Hospital ay nakilalang sina PO2 Raul Declaro, PO2 Regino Abogado, PO1 Henry Saavedra at PO1 Orlando Aurora Jr.
Ayon sa report, bandang ala-1:30 ng hapon habang ang 53-man convoy sakay V-150 PNP armor vehicle ay papauwi na mula sa isinagawang clearing operations sa illegal mining at logging mula sa idineklarang watershed area sa Mt. Pirang-Pirang nang masorpresa ang mga ito makaraang pagbabarilin ng mga di-kilalang kalalakihan na pinaniniwalaang miyembro ng NPA.
Pinaniniwalaan na nakaposisyon na ang mga rebelde sa gawing ituktok ng daan at inabangan ang mga pulis kaya nasorpresa ang mga ito at apat agad ang nalagas sa kanilang tropa.
Malaki ang paniniwala ng pulisya na posibleng mga NPA na kakampi ng mga maliliit na minero o kaya ay armadong minero ang umatake sa grupo ng pulisya.
Ang mga biktima ay nagtungo sa nasabing lugar matapos na hilingin ng Surigao City Water District (SCWD) at Department of Environment and Natural Resources (DENR) na i-clear ang watershed area na iniulat na sinakop ng mga maliliit na scale miners at sinimulang magputol ng kahoy para sa paghahanda ng kanilang pagmimina.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest