^

Probinsiya

Lola na ‘mangkukulam’ inutas

-
Pinagbabaril hanggang sa mapatay at tinangkang sunugin pa ang isang 96-anyos na lola habang agaw-buhay naman ang kanyang anak na 57-anyos na babae matapos na akusahang mangkukulam ng isang grupo na sumalakay sa kubo ng mag-ina sa bahaging sakop ng Barangay Rizal sa bayan ng Pinamungajan, Cebu, kamakalawa.

Napuruhan ng bala ng baril at agad nasawi ang matandang nakilalang si Beatriz Gempesao, samantala, ang anak nitong si Lilia Ruiz ay tinamaan naman sa dibdib na naglagos sa kanyang likuran at kasalukuyan pang nakikipaglaban kay kamatayan sa Cebu City Hospital.

Lumilitaw sa imbestigasyon ng pulisya na dakong alas-3 ng madaling-araw nang salakayin ng isang grupo ng mga kalalakihan na may dalang sulo, ang kubo ng mag-ina sa liblib na bahagi ng Sitio Tugas sa Barangay Rizal ng nasabing lalawigan.

Sa impormasyong nakalap ng pulisya, ang mag-ina ay inakusahang nagsasagawa nang pangkukulam, subalit ayon sa mga awtoridad ang bagay na ito ay hindi pa nakukumpirma.

Ayon sa isang imbestigador ng Cebu PNP na kung sakaling tunay ang akusasyong mangkukulam ang mag-ina ay posibleng ang mga sumalakay ay naging biktima ng dalawa at naghiganti lamang.

Lumilitaw pa sa pagsisiyasat na kinatok ng mga suspek ang tahanan ng mag-ina at nagpanggap na humihingi ng gamot para sa sakit sa tiyan, pero nang pagbuksan ay agad na pinagbabaril hanggang sa bumulagta ang mga biktima.

Ang mga suspek ay nakatakip ng panyo sa mukha, kaya’t hindi nakilala ng kanilang mga kapitbahay na nakasaksi sa naganap na insidente.

Naniniwala ang mga kapitbahay ng mag-ina na maaaring nailigtas pa ang matanda ng kanyang kaalaman sa witchcraft‚ kung hindi lamang sa ulo ang kanyang naging tama.

Kasalukuyan pang iniimbestigahan ng pulisya ang kasong ito. (Joy Cantos)

AYON

BARANGAY RIZAL

BEATRIZ GEMPESAO

CEBU

CEBU CITY HOSPITAL

JOY CANTOS

LILIA RUIZ

LUMILITAW

SITIO TUGAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with