Globe cell site, construction firm sinunog
September 28, 2005 | 12:00am
CAMP AGUINALDO Isa na namang Globe Telecoms cell site at isang construction firm ang iniulat na pinasabog at sinunog ng mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) sa magkahiwalay na insidente ng karahasan sa Bukidnon at Agusan del Norte, kamakalawa.
Base sa ulat, ang panibagong pag-atake ng mga rebelde laban sa Globe Telecoms cell site na pag-aari ng prominenteng angkan ng mga Ayala ay naitala bilang ika- 11 sa karahasang isinagawa simula lamang nitong nakalipas na Hulyo 2005.
Dakong alas-11 ng gabi, kamakalawa nang lusubin at pasabugin ng mga rebelde ang cell site ng Globe Telecoms sa bayan ng Impasugong, Bukidnon kung saan agad na dinisarmahan ang nag-iisang guwardiya dito.
Kasunod nito, sa isa pang insidente, dakong alas-9:30 naman ng umaga nang salakayin ng mga rebelde ang CBBI Construction Firm sa Barangay de Oro sa Butuan City, Agusan del Norte .
Agad na binuhusan ng gasolina ang payloader ng nasabing kompanya saka sinindihan hanggang sa magliyab at tuluyang mawasak kung saan matapos ang pananabotahe ay mabilis na nagsitakas.
May teorya ang mga awatoridad na ang pananabotahe ay may kinalaman sa papatindi pang pangingikil ng mga rebelde tugnkol sa revolutionary tax sa mayayamang negosyante sa ibat ibang bahagi ng bansa. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest