^

Probinsiya

Bagets kinatay, ari pinutol

-
QUEZON – Karumal-dumal na kamatayan ang sinapit ng isang 14-anyos na lalaki makaraang pagtatagain at putulin ang ari nito saka itinapon sa ilog na sakop ng Barangay Tagbakin Ibaba sa bayan ng Catanauan, Quezon kamakalawa ng gabi.

Wasak ang dibdib nang matagpuang nakalutang sa ilog ang bangkay ng biktimang si Ronnel Marcario ng nabanggit na barangay.

Lumitaw sa imbestigasyon ni PO3 Isagani Gonzales, huling namataan buhay ang biktima noong Linggo ng umaga (Setyembre 25) matapos na magpaalam sa kanyang mga magulang para manguha ng talaba sa baybay-dagat.

Napag-alamang hindi na nakabalik pa ang biktima kaya nag-alala ang pamilya nito hanggang sa ipagbigay-alam sa mga opisyal ng barangay at pulisya.

Pinagtulungang hanapin ng mga opisyal ng barangay at tauhan ng pulisya ang nawawalang biktima hanggang sa mamataan ang bangkay nito na lulutang- lutang sa nabanggit na ilog dakong alas-3 ng hapon.

Kasalukuyang nangangalap ng impormasyon ang mga awtoridad sa pagkikilanlan ng suspek na may posibilidad na napagtripan ng adik sa bawal na gamot ang nag-iisang biktima kaya pinaslang. (Tony Sandoval)

vuukle comment

BARANGAY TAGBAKIN IBABA

CATANAUAN

ISAGANI GONZALES

KARUMAL

KASALUKUYANG

LINGGO

LUMITAW

NAPAG

RONNEL MARCARIO

TONY SANDOVAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with