^

Probinsiya

Pulis sinapak ng preso

-
CAVITE – Duguan ang mukha ng isang tauhan ng pulisya na nakatalaga sa Camp General Perma makaraang sapakin ng isang presong nagtangkang tumakas sa piitan ng Tagaytay City, kamakalawa ng umaga.

Nagtamo ng malaking pinsala sa mukha ang biktimang si PO1 Rommel Dimaala ng Provincial Mobiler Group sa Camp General Perma sa Tagaytay City matapos na suntukin ng suspek na si Ronal Vergara, 22, traysikel drayber, at residente ng Barangy Upli sa bayan ng Lemery.

Napag-alamang si Vergara ay nakulong sa hindi nabatid na kaso.

Lumitaw sa pagsisiyasat ni SPO1 Samuel Baybay, ganap na alas-8:30 ng umaga nang tawagin ni Vergara si PO1 Dimaala para magpaalam na magtutungo sa palikuran.

Lumapit naman si PO1 Dimaala at habang binubuksan nito ang pintuang bakal ng selda ay agad namang sinapak ni Vergara ang pulis hanggang sa magkagulo sa labas ng nabanggit na piitan.

Wala namang nagawa si Vergara at naibalik muli sa kulungan matapos na pagtulungang pigilan ng mga kasamahang pulis ni PO1 Dimaala.

Dobleng kaso naman ang kinakaharap ng suspek maliban sa naunang kasong isinampa. (Cristina Timbang at Lolit Yamsuan)

vuukle comment

BARANGY UPLI

CAMP GENERAL PERMA

CRISTINA TIMBANG

DIMAALA

LOLIT YAMSUAN

PROVINCIAL MOBILER GROUP

ROMMEL DIMAALA

RONAL VERGARA

SAMUEL BAYBAY

TAGAYTAY CITY

VERGARA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with