3 Waray-Waray bulagta sa shootout
September 18, 2005 | 12:00am
ANTIPOLO CITY Tatlong holdaper na hinihinalang kasapi ng kilabot na "Waray-Waray" robbery at kidnap-for-ransom gang ang napatay ng mga operatiba ng Philippine National Police (PNP) makaraang makipag-engkuwentro ang mga ito matapos na holdapin ang isang taxi kahapon ng madaling-araw sa Brgy. Inarawan, ng lungsod na ito.
Kinilala ng Sr. Supt. Freddie Panen, Rizal Provincial director ang mga nasawing suspek na sina Pablito Parado, 31; Rogelio Garcia, 46 at Ronald Enteroso, 32.
Ayon kay Panen, naganap ang sagupaan sa pagitan ng mga suspek at awtoridad dakong ala-1:15 ng madaling-araw sa kahabaan ng Marcos Highway, Sitio Puting Bato, ng nasabing barangay.
Nauna rito, hinoldap umano ng mga suspek na pawang armado ng baril ang isang taxi na may plakang PWU-659 na minamaneho ng biktimang si Elmo Revolledo at pagkatapos na kunin ang kinita nitong P2,000 ay tinangay pa ang nasabing taxi patungong Cogeo ng nasabing lungsod. Hindi pa nasiyahan ang mga suspek, kinuha pa ang suot na damit ng driver at saka iniwang hubot hubad sa gilid ng kalsada.
Hindi naman nasiraan ng loob ang biktima at mabilis na nagtungo sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya na siyang nag-flash alarm sa Police Community Precinct (PCP) 3 ng Antipolo Police na patungo doon ang get-away vehicle ng mga suspek.
Agad namang naglatag ng checkpoint ang mga kagawad ng PCP 3 na pinamumunuan ni P/Chief Insp. Lucilo Laguna at nang makita ang nasabing taxi ay agad itong pinara subalit pinaputukan sila ng mga suspek kaya napilitang gumanti ng putok ang mga pulis. Bumulagta ang tatlong suspek na namatay noon din at narekober sa kanila ang tatlong kalibre .38 baril at isang granada.
Napag-alaman pa kay Panen na ang nasabing grupo ang hinihinalang responsable sa sunud-sunod na holdapan ng mga taxi sa nasabing lungsod. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest