Sa ulat na tinanggap ni Cordillera police director Chief Supt. Noe Wong, kinilala ang napatay na si PO3 Pedro Guingayan Hombrebueno, samantala, isa sa mga holdaper na napaslang ay si Ben Pumalo. Sugatan naman ang pulis na si PO3 Lucio Tawaran.
Ayon kay Wong, dakong alas-4:30 ng umaga, magkakasamang nagtungo sa nabanggit na lugar ang grupo ng pulisya sa pamumuno ni Chief Insp. Abbugao So, para i-serve ang warrant of arrest ni Rizaldy Talaro, na may kasong homicide at pinaka-most wanted sa Nueva Vizcaya.
Nang papalapit na sa kuta ng Talaro Gang ang mga operatiba ng pulisya ay biglang umalingawngaw ang sunud-sunod na putok ng baril at duguang bumulagta si PO3 Hombrebueno hanggang sa maganap ang madugong sagupaan na ikinasawi ni Pumalo.
Mabilis naming nakatakas ang wanted na si Talaro, kasama ang ibang kasapi ng grupo nito.
Nabatid na ang Talaro Group ay responsable sa mga highway robbery ng pampasaherong bus at mga pribadong sasakyan sa Nueva Vizcaya, Isabela at ilang bahagi sa lalawigan ng Ifugao. (Artemio Dumlao at Victor Martin)