Mag-asawang agaw-celfon tiklo

LUCENA CITY — Kalaboso ang binagsakan ng mag-asawa na pinaniniwalaang grupo ng agaw-celfon makaraang salakayin ang kanilang bahay sa Calmar Homes sa Barangay Kanlurang Mayao sa nasabing lungsod, kamakailan. Kinilala ni P/Senior Supt. Reuben Theodore Sindac, hepe ng pulisya sa Lucena City, ang mga suspek na sina Armand Abella, 27 at Cecille Villafranca, 25.

Sa ulat ng pulisya, ang dalawang suspek ay gumagamit ng Toyota Corolla na may plakang VDC-531. Napag-alamang ang mga suspek ay nagtutungo sa iba’t ibang barangay at nag-aalok ng e-load. Kapag nakalingat ang biktima ay sasamantalahing tatangayin ang hiniram na celfon. (Tony Sandoval)

Show comments