200 kilo na hot meat nasabat
September 6, 2005 | 12:00am
BULACAN Aabot sa 200 kilong kontaminadong karne ng baboy ang nasabat ng mga tauhan ng pulisya na ikinadakip ng tatlong kalalakihan sa Barangay Bunsuran sa bayan ng Pandi, Bulacan, kamakalawa ng hapon. Pormal na sasampahan ng kaukulang kaso ang mga suspek na sina Jose Garcis, 31; Christopher Marcilliones, 30; at Rico Fuster na pawang naninirahan sa Balut, Tondo, Manila.
Base sa ulat ng pulisya, ang tatlo ay nasabat habang lulan ng van (NYA-472) na may kargang 200 kilong hot meat na pinaniniwalaang ipagbibili sa bahagi ng Metro Manila. Agad namang sinunog ang nasabing hot meat upang hindi na maipakalat pa sa pamilihang bayan na posibleng makaapekto sa kalusugan ng mamamayan. (Ulat ni Efren Alcantara)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest