Pusher, dinukot tinodas ng NPA rebels

KAMPO SIMEON OLA, Legazpi City – Isang pinaghihinalaang notoryus na drug pusher ang dinukot at pinagbabaril ng mga miyembro ng rebeldeng New People’s Army ( NPA ) sa Brgy. Canlubi, Pandan, Catanduanes kamakalawa ng hapon.

Nakilala ang nasawi na si Julius Panti, 42, may asawa, magsasaka at residente ng Sitio Canimon, Brgy. Napo, Pandan.

Bandang ala-1:30 ng hapon nang puwersahang dukutin ang biktima ng limang rebelde habang kumakain sa kanilang tahanan.

Ang mga rebelde ay pawang armado ng kal. 45 at kal. 9mm na pistola nang sumulpot sa lugar at sapilitang tangayin ang biktima at dalhin sa likuran ng Brgy. Plaza at doon na ito pinagbababaril sa ulo at katawan.

Ayon sa mga residente ng naturang lugar na ang mga rebelde ay nagsisisigaw pa ng "huwag ninyong tutularan, pusher ito," saka pinagbabaril ang biktima.

Sa kasalukuyan isang masusing imbestigasyon ang isinasagawa ng mga awtoridad sa kasong ito habang naglunsad na rin ng hot pursuit operations laban sa grupo ng mga rebelde. (Ed Casulla)

Show comments