^

Probinsiya

Ambush: 3 sundalo todas sa Sayyaf

- Joy Cantos -
Camp Aguinaldo — Tatlong sundalo kabilang ang isang junior officer ang nasawi matapos ratratin ng mga hinihinalang miyembro ng mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) habang patungo sa isang Muslim mosque sa naganap na ambush sa Indanan, Sulu kahapon ng umaga.

Dead-on-the-spot sa insidente ang mga biktimang sina Lt. Sahiron Gumampang, Pfc Hasan Darib at Arnold Audi Baldorado; pawang miyembro ng Army’s 53rd Infantry Battalion (IB).

Nabatid na si Gumampang ay mula sa 2nd Batch ng Moro National Liberation Front (MNLF) integree na nakabase sa Sulu. Ang nasabing biktima ay minsan ng ginawaran ng parangal dahilan sa ipinamalas na dedikasyon sa serbisyo.

Batay sa ulat na nakalap kahapon sa tanggapan ni Army Chief Major Gen. Hermogenes Esperon Jr., dakong alas-6:30 ng umaga habang ang mga biktima ay nakasibilyan at naglalakad sa bisinidad ng Karawan Complex sa bayan ng Indanan patungo sa mosque para magsimba nang ratratin ng mga armadong bandido.

Sunud-sunod na putok ang umalingawngaw na tuluyang tumapos sa buhay ng tatlong sundalo na pawang natadtad ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Matapos maisakatuparan ang krimen ay mabilis na nagsitakas ang mga bandido patungo sa hindi pa malamang destinasyon.

Isinasailalim pa sa masusing imbestigasyon ang kasong ito at nagpapatuloy naman ang ‘crackdown operations’ laban sa nalalabi pang puwersa ng ASG sa lalawigan.

vuukle comment

ABU SAYYAF GROUP

ARMY CHIEF MAJOR GEN

ARNOLD AUDI BALDORADO

CAMP AGUINALDO

INDANAN

INFANTRY BATTALION

KARAWAN COMPLEX

MORO NATIONAL LIBERATION FRONT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with