Banko na-acetylene gang

CAMP AGUINALDO – Aabot sa P88,241.00 ang nasikwat ng mga hindi kilalang kalalakihan na pinaniniwalaang kasapi ng grupong acetylene gang makaraang mapasok ang sangay ng Cabugao Rural bank sa bahagi ng Barangay Magsaysay sa bayan ng Santa, Ilocos Sur, kamakalawa. Bandang alas-8:10 ng umaga nang makatanggap ng tawag sa telepono si Eugene Boirje, appraiser ng bankong RCBI na nilooban ang nabanggit na establisamento. Napag-alaman pa sa ulat ng pulisya, winasak ang bubong ng establisamento na kinaroroonan ng banko bago ginamitan ng acetylene at steel cutter ang vault para makuha ang nasabing halaga at mga treasury check. (Joy Cantos)

Show comments