Jailbreak: 2 preso pumuga
September 2, 2005 | 12:00am
CAVITE Dalawang preso mula sa Kawit Municipal Police Station ang iniulat na nakapuga matapos na wasakin ang padlock ng pintuang bakal ng kulungan kamakalawa ng madaling-araw sa lalawigan ng Cavite. Kabilang sa presong nakatakas at ngayon ay tinutugis na ng pulisya ay nakilalang sina Rommel Abad ng Barangay Pulborista at Ariel Amatoza ng Barangay Tabon 1 na matatagpuan kapwa sa Binakayan, Kawit Cavite. Bandang alas-3 ng madaling-araw nang makapuga ang dalawa sa detention cell bago tinahak ang ikalawang palapag ng nasabing munisipyo at biglang naglaho sa dilim. Hindi naman nabatid kung kapabayaan ng mga guwardiya ang naging sanhi para makatakas ang dalawa. (Cristina Timbang)
Inaresto ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group ang mag-utol na pinaniniwalaang sangkot sa malawakang nakawan ng mga gamit ng Meralco sa isinagawang operasyon sa Governors Drive sa bayan ng Carmona, Cavite kahapon. Ang mga suspek na nakumpiskahan ng mga gamit sa poste ng Meralco ay nakilalang sina Teodelfo, 39 at Artemio Ongwico, 32, na kapwa residente ng Barangay Patutong Malaki, Tagaytay City. Ang pagkakadakip sa mga suspek ay bunsod nang reklamo ng isang empleyado ng Meralco sa Pasig City tungkol sa nawawalang gamit hanggang sa isagawa ang buy-bust laban sa mag-utol. Nakumpiska sa mga suspek ang mga gamit na ibinenta sa isang poseur buyer na pulis at halagang P2,500 mark money na ginamit sa operasyon. (Ed Amoroso)
BATAAN Isang 68-anyos na lalaki ang nasa kritikal na kondisyon makaraang pagsasaksakin ng lalaki na naaktuhan ng biktima na nakikipaglampungan sa kanyang manugang sa Barangay Capitangan sa bayan ng Abucay, Bataan, kamakalawa ng madaling-araw. Ginagamot ngayon sa Catalina Memorial Center ang biktimang si Bonifacio Carlos, samantalang naghihimas naman ng rehas na bakal ang suspek na si Dante Cunanan, 20, Barangay Sta. Rosa, Pilar, Bataan. Ayon kay SPO2 Bobby Singca, bandang ala-1:50 ng madaling-araw nang maaktuhan ng biktima ang suspek na nakikipaglampungan sa misis ng kanyang anak sa loob ng kuwarto ng kanilang bahay. Dahil sa pagkabigla ng suspek ay inundayan ng saksak ang biktima bago tumakas, subalit nadakip ng mga barangay tanod. (Jonie Capalaran)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
15 hours ago
Recommended