Base sa ulat, dalawa sa mga nasawi ay kinilalang mga tauhan ng MNLF Commander Mando Tambungalan, itinuturong isa sa mga responsable sa pambobomba sa nasabing bayan noong Disyembre 24 ng nakalipas na taon.
Sa panig ng mga militiamen na nagsilbing guide ng tropa ng pamahalaan ay nakilala namang sina Uga Maliga at Mods Satol.
Sa nasabing insidente ay nasawi ang anak ni Maguindanao Governor Datu Andal Ampatuan. Kinilala naman ang mga nasugatang sundalo na sina Pfc. Montero, Pcf. Salinas at Pfc. Boter.
Nabatid na bandang alas-5:30 ng umaga nang sumiklab ang shootout sa pagitan ng grupo ng wanted na MNLF kumander at ng tropa ng gobyerno sa raid sa hideout ng mga rebelde sa Brgy. Kitango, Datu Saudi Ampatuan ng nasabing lalawigan.
Mabilis namang nagpadala ng reinforcement ang Armys 64th Infantry Battalion (IB) at tumagal ang sagupaan nang hanggang ala-1:30 ng hapon nang mapilitan ang mga rebelde na magsiatras.
Naglunsad na ng hot pursuit operations ang mga operatiba ng militar laban sa nakatakas na grupo ni Tambongalan. (Joy Cantos)