^

Probinsiya

Mag-ina tinagpasan ng ulo

- Roel Pareño -
ZAMBOANGA CITY – Malagim na kamatayan ang sinapit ng isang 65-anyos na ina at anak nitong babae matapos na pagtatagain ay tinagpas pa ang ulo ng mga biktima ng sariling anak na lalaki na pinaniniwalaang nasiraan ng bait sa liblib na bahagi ng bayan ng Gutalac sa Zamboanga del Norte, noong Linggo (Agosto 28), ayon sa ulat ng pulisya.

Sa naantalang ulat na nakarating kahapon sa opisina ni P/Chief Supt. Prospero Noble, director ng Western Mindanao PNP, nakilala ang mga biktimang sina Carmelita Ponteras, 65 at Estrella Ponteras, 48, ng Barangay Matunoy ng nabanggit na barangay.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang malagim na krimen noong Linggo ng umaga sa bahay ng pamilya Ponteras kung saan nagwala ang suspek na si Alberto, hawak ang matalim na itak.

Lumitaw sa imbestigasyon na nag-aayos ng bahay ang mag-ina nang atakihin ng suspek at sinimulang pagtatagain sa iba’t ibang bahagi ng katawan hanggang sa duguang bumulagta. Sa salaysay ng mga kapitbahay sa pulisya, hindi pa nasiyahan ang suspek na tinaga ang kanyang ina at utol na babae ay tinagpas pa ang mga ulo dahil sa nakitang humihinga pa.

Agad naman rumesponde ang mga tauhan ng pulisya at nadakma ang suspek sa tulong na rin ng mga kapitbahay ng Ponteras. Hindi pa malaman ng pulisya ang ugat ng pamamaslang sa mga biktima at inihahanda na ang kaukulang kaso laban sa suspek.

vuukle comment

AGOSTO

BARANGAY MATUNOY

CARMELITA PONTERAS

CHIEF SUPT

ESTRELLA PONTERAS

LINGGO

PONTERAS

PROSPERO NOBLE

WESTERN MINDANAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with